2014 Fengshui Tips: Rat

WEALTH & CAREER: Maraming darating na oportunidad na may kinalaman sa career. Upang mapasaiyo ang magandang oportunidad, ma­ging alerto at huwag papatay-patay. Huwag mong papa­gurin nang todo ang sarili sa trabaho. Malapit ka ngayon sa sakit kaya balansehin lang ang lahat. Maging maingat sa pera. Maaari kang manakawan o lokohin para makuha ang iyong pera.

LOVE: Kung hindi lalamigan ang ulo at lalawakan ang pang-unawa, magiging madalas ang pakikipagtalo sa minamahal. Ang fengshui cure sa inyong bedroom: Sa araw, hayaang nakabukas ang bintana kahit isang oras upang pumasok ang fresh air. Ang best fengshui colors na dapat gamitin sa blanket, bedsheet, pillow case ay “skin tone” colors, mocha, beige or cream. Iwasang gumamit ng pula. 

HEALTH: Sa 2014, ang Rat people ay magi­ging magulo ang energy kaya magiging malapit sa sakit. Gumamit ng Medicine Buddha or a Wu Lou para sa kalmado at malusog na energy. Mainam na magdispley ng figurine or poster na nagdudulot sa iyo ng positive feeling kapag tiningnan mo. Magdudulot ito sa iyo ng positive energy. Gumamit ng jewelry na may fengshui symbol: Pi Yao, Dzi Beads at Double Happiness.

Show comments