Sa mga di malamang dahilan, kusang pinupunan ng utak ang pinsalang sanhi ng stroke.
• Maaaring ang ilang selula ng utak ay pansamantalang napinsala, pero di namatay, at maaaring makapagpatuloy ng tungkulin nito. Sa ibang mga sitwasyon, maaaring isaayos ng utak ang sarili nitong pagganap. Minsan naman, pinatatakbo ng isang rehiyon ng utak ang bahaging napinsala ng stroke. Ang mga nakaligtas sa stroke ay nakararanas ng di-inaasahan at kapansin-pansing paggaling na hindi rin kaÂyang maipaliwanag sa ilang pagkakataon.
Pinakikita ng pangÂkalahatang paggaling na:
• 10% ng mga nakaligtas sa stroke ay nakaranas ng halos lubusang paggaling
• 25% ang gumaling na may konting pinsala sa katawan
• 40% ang nakaranas ng katamtaman hanggang malubhang pinsala na nangangailangan ng espesyal na pag-aalaga
• 10% ang nangaÂngaÂilangan ng pag-aalaÂga sa isang institusÂyon o lugar na may paÂÂsiÂlidad para sa mas mahabang pag-aalaga
•15% ang namatay agad pagkataÂpos ng stroke
Pagpapagaling:
Ang pagpapagaling ay nagsisimula sa ospital pagkatapos ng stroke. Sa mga pasyenteng maganda ang kondisyon, nagsisimula ang pagpapagaling sa loob ng 2 araw pagkatapos mangyari ang stroke at kailangang ipagpatuloy ang pagpapagaling pagkalabas ng ospital. Kabilang sa mga opsyon ng pagpapagaling ay ang mga sumusunod: ang rehab unit ng ospital, lugar na nagbibigay ng subacute care, isang espesyalistang ospital, terapyutika sa tahanan, pangangalaga sa labas ng ospital, o mahabaang panahon ng pag-aalaga sa isang nakabantay na nars.