^

Para Malibang

Iwas ‘stroke’ (3)

BODY PAX - Pang-masa

Sa mga di malamang dahilan, kusang pinupunan ng utak ang pinsalang sanhi ng stroke.

• Maaaring ang ilang selula ng utak ay pansamantalang napinsala, pero di namatay, at maaaring makapagpatuloy ng tungkulin nito. Sa ibang mga sitwasyon, maaaring isaayos ng utak ang sarili nitong pagganap. Minsan naman, pinatatakbo ng isang rehiyon ng utak ang bahaging napinsala ng stroke. Ang mga nakaligtas sa stroke ay nakararanas ng di-inaasahan at kapansin-pansing paggaling na hindi rin ka­yang maipaliwanag sa ilang pagkakataon.

Pinakikita ng pang­kalahatang paggaling na:

• 10% ng mga nakaligtas sa stroke ay nakaranas ng halos lubusang paggaling

• 25% ang gumaling na may konting pinsala sa katawan

• 40% ang nakaranas ng katamtaman hanggang malubhang pinsala na nangangailangan ng espesyal na pag-aalaga

• 10% ang nanga­nga­ilangan ng pag-aala­ga sa isang institus­yon o lugar na may pa­­si­lidad para sa mas mahabang pag-aalaga

•15% ang namatay agad pagkata­pos ng stroke

Pagpapagaling:

Ang pagpapagaling ay nagsisimula sa ospital pagkatapos ng stroke. Sa mga pasyenteng maganda ang kondisyon, nagsisimula ang pagpapagaling sa loob ng 2 araw pagkatapos mangyari ang stroke at kailangang ipagpatuloy ang  pagpapagaling pagkalabas ng ospital. Kabilang sa mga opsyon ng pagpapagaling ay ang mga sumusunod: ang rehab unit ng ospital, lugar na nagbibigay ng subacute care, isang espesyalistang ospital, terapyutika sa tahanan, pangangalaga sa labas ng ospital, o mahabaang panahon ng pag-aalaga sa isang nakabantay na nars.

KABILANG

MAAARING

MINSAN

PAGPAPAGALING

PINAKIKITA

SHY

STROKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with