Iwasan ang pagtanda (1)

Isa sa kinatatakutan ng marami ay ang pagtanda. Maraming dahilan bakit mabilis tumanda ang tao. Posibleng dahil ito sa stress, depresyon at problema. Pero may ilang pang­karaniwang bagay na maaaring ginagawa mo na hindi mo alam na ito ay nakakatanda. Narito ang ilan:

Panonood ng telebisyon – Oo, tama ang pagkakabasa mo, bagama’t nakakapagbigay ng libangan ang tv, pero hindi mo alam na masama ito para sa iyong kalusugan, lalo na sa iyong baywang. Pinaiikli ng tv ang buhay mo ng 22-minuto araw-araw sa kada isang oras ng panonood mo dito.  Malaki din ang posibilidad ng pagkakaroon ng Alzheimer’s disease dahil hindi gumagana ng mabuti ang iyong utak.

Pag-inom ng tubig sa bote/straw – Ang hindi paggamit ng baso sa tuwing umiinom ay malaki ang nagiging epekto sa iyong mukha at magmukha kang matanda. Ito ay dahil sa tuwing sumisipsip ka sa straw o umiinom sa bote ay lumilikha ito ng fine line at wrinkles o kulubot sa paligid ng iyong bibig gaya ng paninigarilyo. Kaya sa tuwing may iinumin, gumamit dapat ng baso.

Wala at sobrang ehersisyo – Talaga naman hindi matatawaran ang benepisyo ng pag-eehersisyo. Nakakabata ito ng itsura at pakiramdam, kaya lang kung sosobra din naman, possible din itong maging sanhi ng sakit sa puso at obesity. (Itutuloy)

 

Show comments