Kapangyarihan ng Buwan Last Part

Waxing Moon (Papalaki ang buwan)—higit na sa kalahati ang porma ng buwan o malapit nang magperfect circle, maliwanag ang gabi. Mainam na isagawang ritwal ay iyong naglalayong magkaroon ng peace and harmony ang buhay. Maaari itong gawin sa 3 ng hapon o 3 ng madaling araw.

Full Moon—buo na ang buwan sa langit. Mga ika-14 hanggang 17 araw mula ng New moon. Ngayon ang tamang panahon upang pasikatan ng liwanag ng buwan ang katawan nang sa ganoon ay magkaroon ng ibayong lakas lalo na kung ikaw ay isang taong madalas magsagawa ng ritwal.

Waning Moon (Papaliit)—pawala na ang buwan sa langit hanggang tuluyan na itong mawawala sa langit. Tatlong araw pagkatapos ng full moon hanggang ika-14 araw—mga ritwal na may kaugnayan sa pagpapalayas ng malas sa bahay at katawan ang mainam na isagawa, pag-aalis ng masasamang bisyo, paglimot sa minamahal.

 

 

Show comments