MGA pinatuyong tao ang parang maniking nakadispley sa napakalawak na ‘mall’. Hindi natagalan ni Monica ang tanawing ito. Nawalan ng ulirat ang dalaga; hinimatay.
Nang magising, siya ay nasa ibang lugar na nang pantastikong sibilisasyon sa ilalim ng butas na lupa.
“Eeeeee!†Napatili si Monica sa nakatunghay sa kanya, sa kama ng siguro’y ospital.
Isang nilikhang ewan kung anong klase, ewan kung saan nanggaling.
Ang ulo nito ay makinis na malambot, korteng trumpo na may malalaking mata at dalawang parang antenna, katulad na katulad ng nasa ulo ng Japanese snail o susong Hapon.
Nanlamig si Monica, naumid ang dila, hindi na makatili.
Nakita na niya ang anyong ito—sa image sa mga mata ng batang babaing tanging nakalabas sa butas na lupa!
Ibig bang sabihin ay—nakita na rin ni Neneng ang nilikhang nakikita niya ngayon?
“S-sino ka?†nagawang itanong ni Monica, nakapa na rin ang tinig.
Sumagot naman ito. “Wuzzu-wuzzu. Vizzu-vizzu. Templangken, Ispangketon, frasduccizu.â€
Hindi naman naintindihan ni Monica. Ang alam niya’y halos ganito rin ang sinabi noon ni Neneng, nang ang batang babae ay buhay na makalabas sa butas na lupa.
Kasinglaki ng 6-footer basketball player ang kaharap niyang nilikha; the creature seems annoyed; mukhang buwisit sa presencia ni Monica.
“Hindi kita maintindihan, I can’t understand you,â€sabi ni Monica.
May pinindot na buton sa gilid ng kama ang nilikhang mukhang suso; nadinig ang nakaririnding ingay. It-itt-iitt-iitt!
Nakabulahaw iyon sa dalaga, parang binibiyak ang eardrum.
“Aaahh! Aaahhh!†Napatakip sa tenga si Monica.
Sumunod niyang namalayan ay nakapaligid na sa kanya ang napakaraming nilikhang puro mukhang suso.
Pinisil-pisil siya ng mga ito; dinutdot ang iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan. Walang nagawa si Monica kundi mandiri at patuloy na magtitili. “Eeee!â€
At mag-iiyak. “Hu-hu-hu-huuu!â€
(ITUTULOY)