Dear Vanezza,
Itago mo na lang ako sa pangalang Aire. Nagtatrabaho ako bilang executive secretary sa isang kilalang kumpanya at may masaya akong pamilya. Problema ko ang aking boss. May gusto siya sa akin at ayaw niya akong tantanan sa kanyang mga pasaring. Naiilang ako sa mga ginagawa niya. Minsan diniretsa ko siya na tigilan ako dahil mahal ko ang aking pamilya at hindi ako papayag na may magtangkang sirain ito. Pero sige pa rin siya na parang nananakot pa. Ano kaya ang gagawin ko para tumigil siya?
Dear Aire,
Gaano ka man katatag sa iyong prinsipyo ay lantad ka pa rin sa tuksong nag-aabang lang sa’yo. Hindi natin masasabi ang pagkakataon kung saan maaaring tuluyan mag-take advantage ang boss mo. Kaya gaano man kahalaga sa iyo ang pagtatrabaho sa kilalang kompanya na yan, mag-resign ka. Kung nakapasok ka sa magandang kompanya, hindi malabong magawa mo rin uli ito sa ibang kumpanya na may magandang kita.
Sumasaiyo,
Vanezza