Alam n’yo ba na ang shell o balat ng itlog ay mayroong 17,000 na maliliit na pores o butas na hindi nakikita ng mata? Ang nilagang itlog ay mas mabilis balatan kung ang itlog ay isa o dalawang linggo na. Para malaman mong hilaw o luto ang itlog, paikutin mo ito sa lamesa, kapag ang itlog ay umikot ng mabilis, ito ay luto, kapag naman mabigat ang pag-ikot nito, ito ay hilaw pa. Kapag ang itlog ay nahulog at nabasag sa sahig, lagyan lang ito ng maraming asin para mabilis na maalis ito. Ang pinakamalaking pizza naman ay niluto noong Disyembre 8,1990 sa Norwood Hypermarket, Norwood, South Africa. Ito ay may sukat na 122 talampakan at 8 pulgada. March 7, 1992.