‘More than friends’

Dear Vanezza,

Mayroon akong taong nagugustuhan. Gustung-gusto ko talaga siya. Classmate ko siya at madalas kaming magkasama. Madalas ko siyang makaharutan. Tingin nga ng mga kaibigan ko ay may gusto din siya sakin. Kapag nagkakatinginan kami ay bigla na lang siyang tumatawa. Siya lang ang lalaking pinapangarap ko at hinihintay ko lang na magtapat siya sa akin. Kaso, ga-graduate na kami ay wala pa ring nangyayari sa aming dalawa. Dapat pa rin ba akong maghintay sa kanya? - Lonely Girl

Dear Lonely Girl,

Ituloy mo lang ang maganda ninyong samahan at huwag munang bigyan ng kahulugan ang kanyang mga ngiti sa’yo. Mahirap umasa lalo’t hindi mo batid kung pareho ba kayo ng nararamdaman sa isa’t isa. Maaring ine-enjoy niya ang company mo at wala pa sa isip ang “more than friends” na relasyon. Kaya ‘wag kang magmadali. Hayaan mo lang na kusang madebelop ang feelings niya sa’yo. Kung gusto ka niya, liligawan ka niya hindi dahil sa udyok o tukso ng mga kaibigan kundi dahil ito ang kanyang nararamdaman.
 

Sumasaiyo

Vanezza

Show comments