Ahas na nakapalupot sa leeg

Panaginip: Nahuli ko ang aking officemate na binuksan ang aking bag at may kinuha ito.Sinabunutan ko siya at binawi ang wallet na kinuha niya. Ikalawang panaginip ay may pumulupot na ahas sa aking leeg. Bitin ang istorya dahil nagising na ako.---Dina

Interpretation: Hangga’t mapipigil mo, iwasan mong mangutang. Ang iyong panaginip ay warning na makikipagtalo ka  dahil sa inutang mong pera. Ang ahas ay lihim mong kaaway. Hindi natapos ang istorya dahil pinaplano pa lang ng iyong  kaaway ang gagawin sa iyo. Pray nang hindi magkatotoo.

Show comments