“HUWAG na kayong babalik dito, mga walang silbi!†sigaw ng mga survivors sa mga taga-munisipyo; sakay na ng bangkang de-motor ang mga ito, palayo na sa isla, pabalik na sa bayan.
“Bahala kayo sa buhay n’yo! Idedemanda namin kayo ng harassment at frustrated homicide!†sigaw-sagot ng kinatawan ng mayor.
Saglit pa’y mabilis nang tumatakbo ang motorboat. BRRRR. Sina Jake at Monica ay nagpaiwan, hindi maatim makisakay sa mga taga-munisipyo na maling-mali ang diskarte.
“Jake, napaka-insensitive ng mga taong ‘yon. Hindi nila dapat binabalewala ang nangyayari dito.†“I’m sure hindi ganito ang instruction sa kanila ng mayor. Kadalasang ang mga tauhan ang sumisira sa punong-bayan, Monica.â€
MALAPIT na sa laot ang mga taga-munisipyo nang umiba ang timpla ng mga alon.
Brrrorr. Brrorr. Hirap na hirap sa pagsalunga sa alon ang bangkang de-motor. Ang dagat ay parang nababaliw sa kinalalagyan nila.
“Ano’ng nangyayari, manong boatman?â€
“Bossing, ewan po. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong gawi ng dagat! S-sa tapat lang po natin, payapa sa banda roon!†Natatanaw sa pampang ng isla ang nangyayari sa laot, sa kinaroroonan ng mga taga-munisipyo.
“J-Jake, isinasaÂyaw sila ng mga alon! Doon lang naman!â€
“Shit! Kung kailan wala tayong kamera! Bakit minalas na pati mga kamera natin ay tinangay ng mahiwagang tsunami!â€
Ang hinala ng magkasintahang photo-journalists, kagagawan na naman ng butas na lupa ang nagaganap sa laot ng dagat.
Malapit nang itaob ng nagsasayaw na alon ang bangkang de-motor. Natataranta ang mga taga-munisipyo. “Manong, gumawa ka ng paraan! Patay taÂyong parepareho kapag nilamon tayo ng dagat!â€
HUWUUNNGG. Kaylakas ng tunog ng kakaibang hangin. Super-lakas ito. Humihigop.
“Aaaahhh1†Tinatangay ng hangin ang mga taga-munisipyo, paitaas!
Pabalik sa isla ang mga ito, inilipad nang tuluyan ng hangin.
Naiwan sa motorboat ang manong na boatman; parang sinadyang iwasan ng mahiwagang hangin. (ITUTULOY)