Madilim na supermarket

Panaginip: Nagpunta ako sa isang supermarket para bumili ng miryenda pero malabo ang ilaw sa loob. Habang tumatagal ay dumidilim sa loob kaya hindi ko maaninag kung ano ang aking bibilhin. Lumabas ako na walang bitbit kahit anong pagkain. Medyo disappointed ako dahil nagugutom na ako.--- HXXH2056

Interpretation: Nasa stage ka ng iyong buhay na kailangan mong magdesisyon ngunit may nararanasan ka sa kasalukuyan na sa halip na makatulong upang makabuo ng solid decision, ay lalo lang itong nagdudulot sa iyo ng kalituhan.

Show comments