HINDI lamang namangha, nanggilalas pa ang mga nakarinig sa kakaibang lengguwahe ng batang lumabas sa butas na lupa.
Sina Jake at Monica ay nangangamba, natitiyak nilang walang ganitong lengguwahe sa buong mundo.
Ang tatlong imbestigador ay napakamot sa ulo, nagtataka.
Ang nanay ng bata ay nayayanig. “Neneng, anak, ikaw nga ba ang…anak ko? B-Bakit iba ang salita mo?â€
“Ano nga uli ang sabi mo, iha?†tanong ng isang imbestigador.
Tiningnan ni Neneng ang mga nakapaligid, tila nawiwirduhan ito .
“May sinabi ka kanina, Neneng, gusto naming muling marinig,†pakiusap ng ina; pigil ng nanay ang pag-aalinlangan.
Ngumiti si Neneng, ngiting may hatid na kilabot.
Kasunod ay muling nagsalita. “Wuzzu-zuzzu, templanqui. Cuticuucuut, vulli-vullu. Muracay-qui-talvug fiotutti.â€
Duda ang mga imbestigador. “Pinagluluko na yata tayo ng batang ‘to, a. Pakiramdam ko’y kung anu-ano lang ang iniimbento niyang salita—na mismong siya ay hindi alam kung ano…â€
Ang nanay ay napapailing, nagbabangon ang pangamba. “B-baka ho nasapian ng kung anong maligno ang anak ko! Ngayon lang ho siya nagsalita nang ganyan, maniwala kayo!â€
Sumali nang muli sa usapan sina Jake at Monica. “Ser, kanina’y merong nakitang kakaibang image ‘tong nobya ko—sa mata ng bata!â€
“Anong image?†tanong ng imbestigador.
Ibinulong ni Monica. “Nilalang na malalaki ang mata, korteng trumpo ang ulong napakakinis, walang baba at ilong, may antenna na parang… sa susong Hapon po…â€
Natigilan ang imbestigador. Ora-oradang tinitigan nito ang mata ng batang babae—nakipag-eye-to-eye.
Napailing ito, inis. “Miss, walang kakaibang image. Nag-ilusyon ka lang. Huwag mo nang ikumplika, okay?â€
HANGGANG sa magtanghali ay walang nangyari sa imbestigasyon; nanatiling sikreto ang hiwaga ng butas na lupa.
“Obserbahan na lang muna itong butas, mga kabayan! Kung wala pa ring lalabas na mga tao sa loob ng sanlinggo, takpan na lang siguro!†payo ng imbestigador. (ITUTULOY)