NANGGIGIL nga si Monica sa galit kay Jake; para sa dalaga, nainsulto-personal siya ng boyfriend. “Hindi ako mukhang susong Hapon! Napakasakit mong mamintas!â€
“Hey, Monica, hindi ko naman sinabing mukha kang susong Hapon or Japanese snail…napakaganda mo, sweetie!â€
Niyakap ng binata ang girlfriend. “Trust me, you’re so beautiful. Kung anumang image ang nakita mo sa mata ng batang babae, hindi ikaw ‘yon. Binabawi ko na ang nasabi ko, Monica.â€
Pinakiramdaman ng dalaga kung sincere ang binata; baka nang-uuto?
“Believe me, napakaganda mo, never kang maging Japanese snail.â€
Napabuntunghininga si Monica. Maniniwala ba siya o hindi?
Nasa proseso pa naman sila ng pagmamasid sa mga kaganapan sa islang may butas na lupa.
Pinili niyang maniwala, na nagsasabi ng totoo si Jake.
“Huwag na huwag mo na akong sasaktan ng damdamin, Jake. Narito tayo sa pook ng kalamidad at hiwaga…magtulungan tayong makakalap ng tamang impormasyon.â€
Binalikan nila ang batang babae na himalang nakalabas sa malalim-madulas na sinkhole.
Tinatanong pa rin ito ng tatlong imbestigador mula sa bayan. “Ineng, magsalita ka na, please…ano ang nakita mo sa loob ng butas?â€
“Sabi ng mga tao rito, marami kayong nahulog o nahigop ng butas, tama ba, ineng?â€
“Nagmamadali tayo, iha, kailangang sabihin mo sa amin ang nakita mo sa ibaba.â€
Kumibut-kibot ang mga labi ng batang babae; gumalaw-galaw ang mga talukap ng mata.
“Jake, ano kaya—lapitan mo at ikaw ang makipagtitigan sa bata,†bulong ni Monica sa boyfriend.
Tumango si Jake. Iyon naman mismo ang gagawin nito.
Pero biglang nagsalita ang batang babae. “Wuzzu-wuzzu. Curicuttu-tuut. Templangqui-vullu-vulli.â€
Nagkatinginan ang mga nakarinig sa bata. Anong klaseng lengguwahe ba ang sabi nito? ITUTULOY