Seloso ang boyfriend

Dear Vanezza,

Ang problema ko po ay hindi ko mapagdesisyu- nan kung ipagtatapat ko ba o hindi sa bf ko na hindi na ako virgin? Three years na po kami pero wala pang nangyayari sa amin dahil may limitasyon ang pagpapakita namin ng pagmamahal sa isa’t isa. Nirerespeto niya ako at gusto niyang virgin ako na pakakasalan niya. Naikuwento ko na po sa kanya na hindi siya ang una kong bf pero hindi ko nabanggit na minsan ko nang naipaubaya ang aking pagkababae sa dati kong bf. Ayaw ko pong mag-break kami dahil mahal na mahal ko siya. Pero hindi ko naman gustong manatiling lihim sa kanya ang aking nakaraang relasyon. Pagpayuhan po ninyo ako. – Bebe

Dear Bebe,

Sa kabila na moderno na ngayon, mahalaga pa rin para sa iba ang virgin- ity ng isang babae. Kabilang na rito ang nobyo mo. Makabubuting sabihin mo na sa kanya ang iyong nakaraan kaysa matuklasan niya ito kung kayo ay kasal na. Kung talagang mahal ka niya, mauunawaan niya. Patunay din ito na talagang mahal mo siya dahil hindi mo nais na paglihiman siya ng isang bagay na importante sa kanya kahit na nga ang maging kahulugan nito ay maaaring umasim ang inyong relasyon.

Show comments