Gawing lucky jar ang ‘rice jar’

Sa Feng shui, may paraan upang umakit ng magandang suwerte ang lagayan ninyo ng bigas:

1—Materyales ng rice jar. Dapat ay yari ito sa ceramic. Ang ceramic ay mula sa clay, lupa. Saan ba tumutubo ang palay ? Di ba’t sa lupa. Kung sa ceramic jar itatago ang bigas, hindi ito mauubusan kailanman.

2—Bumili ng bigas sa iyong lucky day.

3—Sa unang araw na pupunuin ang rice jar, ilagay muna sa ilalim ang mga sumusunod : tatlong supot na gawa sa red cloth na may laman tig-iisang jade stone at Chinese coin; isang mahabang red rope. Jade represents great wealth; coins stand for gold and silver jewelry; red rope ay simbolo ng paglago/pag-asenso ng kabuhayan. Kapag nakumpleto na ang mga nabanggit, puwede nang punuin ng bigas ang jar

 

 

 

Show comments