‘Butas na lupa’ (13)
DUMATING sa isla ang ilang imbestigador mula sa bayan; ang mga ito ang titiyak sa nangyayaring hiwaga sa Barangay Antukin.
“Tuliro ang mga tao rito, laluna ‘yung mga nawalan ng bahay at kapamilya, officers,†seryosong sabi ni Jake sa tatlong tauhan ng pulisya. “Dayo kayo sa isla nitong misis mo?†tanong kay Jake. “Dayo po pero hindi ko misis itong kasama ko—girlfriend ho. Photo journalist kami na nakabalita sa sinkhole.†“Sinkhole?â€
“Butas na lupa ho, officer,†paliwanag ni MoÂnica. “Kaydami nang nangyaring kababalaghan bago kayo dumating.â€
“Iyan nga ang sisiyasatin namin, e. Bakit parang nasentruhan ng bagyo ang lugar na ‘to? Akala ko ba’y butas na lupa ang…?â€
Isinalaysay nina Monica at Jake ang lahat nang nangyari—mula sa paglamon ng sinkhole sa bahay nina Porong at Pining na kasama ang mag-asawa, hanggang sa biglaang tsunami na umahon at rumagasa mula sa dagat—nagwasak ng mga bahay at mga bangka at iba pa.
“At ayon din sa inyo, Jake at Monica, saksi kayo sa pagkaanod ng mga tao sa malakas na agos…na nagtuloy lahat sa butas na lupa?â€
“Tama po. Marami kaming nakasaksi, kaso nasa denial stage po ang mga napinsala—hindi halos makausap nang matino,†sabi ni Monica.
Nadatnan ng mga imbestigador ang mga taong nagmamanman sa butas na lupa; nakapaligid ang mga ito mula sa layong dalawampung metro.
“Bakit ngayon lang kayo dumating? Nasalanta na kami nang husto ng impaktong butas na lupang ‘yan!†Naninisi ang isang amang nawalan ng limang kaanak. “Dapat narito rin si Meyor!â€
“Wala kaming natanggap na impormasyon, ‘bigan, magpakahinahon ka. Meron naman kaÂyong barangay chairman at iba pang pinuno, bakit hindi kami kinontak agad?†“Wala na silang lahat, officer. Bago pa man ang tsunami at pagkaanod ng mga tao, hinigop na ng sinkhole sina Chairman Domeng at mga tanod,†paliwanag ni Jake.
Napapakamot ng ulo ang tatlong imbestigador. Hindi makapaniwala sa naganap sa isla.
Mayamaya’y nagsigawan ang mga nakapaliÂgid sa butas na lupa. “Merong batang lumalabas! Nabuhay ang bata!†(ITUTULOY)
.
- Latest