Treatment - Karamihan sa mga fibroids ay walang symptoms at hindi kailangan ng treatment.
Mangangailangan ng treatment sa fibroids depende sa sitwasyon:
• Ang fibroids ay lumalaki na nagiging dahilan para magkaroon ng pressure sa ibang organs tulad ng bladder.
• Kung mabilis na lumalaki ang fibroids.
• Kung ang fibroids ay nagdudulot ng abnormal bleeding.
• Kung ang fibroids ay nagiging sanhi ng problema sa fertility.
Treatment options
Ang treatment ay depende sa location, size at kung gaano kadami ang fibroids.
• Drugs – Tulad ng hormones na ginagamit ng para paliitin ang fibroids bago operahan.
• Hysteroscopy - Ang fibroids ay tinatanggal sa cervix gamit ang hysteroscope.
• Laparoscopy - O ‘keyhole surgery’, kung saan ang manipis na tube ay ipinapasok at dumadaan sa abdomen para tanggalin ang fibroids.
• Open surgery – Ang malalaking fibroids ay kailangang tanggalin sa pamamagitan ng abdominal incision.
Ang procedure ay nagpapahina ng uterine wall kaya ang caesarean sections para sa panganganak ay malabo na.
• Hysterectomy - Isang operasyon kung saan tinatanggal ang matres kaya hindi na maaaring mabuntis.