Gusto nang daanin sa dahas

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Estong, 35 anyos. May nililigawan ako. Past 30 na rin gaya ko at wala pang bf. Matagal na akong nanliligaw pero hanggang ngayon mukhang wala pa rin akong pag-asa. Ang lagi niyang sagot ay ayaw niyang makipag-bf kahit kanino. Kung minsan tuloy, iniisip ko na daanin ko na lang siya sa dahas.

Dear Estong,

Kung wala kang tiyagang maghintay, manligaw ka na lang sa iba. Delikado ang iniisip mo na daanin siya sa dahas dahil pwede kang makasuhan ng rape. Sa tinagal-tagal ng panliligaw mo, baka talagang walang gusto sa iyo ang babae. Kung magkagayon, matuto kang harapin ang katotohanan. Ang panliligaw ay hindi sapilitan. Nagpapakatotoo lang siya sa nararamdaman niya. Hindi lang naman siya ang babae sa mundo. Mabuti pang humanap ka na lang ng iba yung may gusto rin sa iyo.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

Show comments