20 Feng Shui Beliefs Last Part
Ang room sa bahay na korteng square o recÂtangular ay mas mainam kaysa room na korteng oval or round.
Alalay lang ang paggamit ng red sofa dahil color ito ng activation and excitement na kung sosobra ay baka pagmulan ng awayan at pikunan sa bahay.
Halimbawang may nais kang bilhin na bahay ngunit hindi mo kayang magbayad sa Fengshui expert upang magpakonsulta, dalhin mo ang isang sanggol sa bahay na nais bilhin. Kapag umiyak ito pagkapasok n’yo bahay, ito ay indikasyon na bad fengshui ang bahay. Kung ngumiti o no reaction, okey ang energy na umiikot sa bahay.
Sa mag-asawang nahihirapang “makabuoâ€, ilipat ang inyong bed sa ibang parte ng inyong bedroom at magsabit ng 6-metal rod windchime sa west sector ng salas.
- Latest