Endometrial polyps - Ang fibroids ay maaaÂring maging sanhi ng pagtubo ng polyps sa uterine lining (endometrium). Ang polyp ay parang bolang maliit na tumutubo sa dulo ng manipis na tangkay. Ang Endometrial polyps ay maaaring magdulot ng problema sa menstruation tulad ng bleeding at pain.
Common complications- Ang fibroids ay maaaring magdulot ng komplikasyon tulad ng mga sumusunod:
Anaemia – kapag masyadong maraming dugong nawawala sa katawan ay maaaring maging sanhi ng anaemia, isang problema sa kung saan ang kakatawan ay nagkakaroon ng problema sa pagdadala ng sapat ng oxygen sa dugo. Ang sintomas ng anaemia ay kinabibilangan ng paghahabol ng hininga, ppakiramdam na pagod at pamumutla.
Urination problems – ang malalaking fibroids ay maaaring bumara sa uterus patungo sa bladder na dahilan para magkaroon ng pakiramdam na parang kinakabag o pakiramdam na laging naiihi.
Infertility – kung may fibroids maaaring makaapekto ito sa implantation ng fertilised egg sa iba’t ibang paraan. Posibleng madikit ang egg sa fibroid kaya mahihirapan sa implantation ng egg.
Miscarriage at premature delivery – binabawasan ng fibroids ang blood flow sa placenta o makikipag-agawan ito sa espasyo sa lumalaking bata sa sinapupunan.
Diagnosis - Makikita ang fibroids sa pamamagitan ng ultrasound kung saan ang sound waves ay lumilikha ng two dimensional picture.
Maaari ring eksaminin ang uterus sa pamamagitan ng hysteroscope, na isang manipis na tube na idadaan sa cervix (lagusan patungong sinapupunan). May maliit na camera na maaaring ilagay sa dulo ng tubo para makita ang loob ng uterus sa monitor.
Treatment - Karamihan sa mga fibroids ay walang symptoms at hindi kailangan ng treatment. Mangangailangan ng treatment sa fibroids depende sa sitwasyon: (Itutuloy)