SA pagtataka ni Jake, pati ang pagkontak sa TV network sa Maynila ay nagkaproblema. “Monica, ayaw talaga. Walang signal.â€
“Pero hayun lang sa kabilang isla ang cell-site, Jake! Hindi naman nakatumba, paanong walang signal?â€
Walang linya ng telepono sa Barangay Antukin. Kailangan pang magpunta sa bayan para makatawag.
Tatawid muna ng dagat, magbabangka ng halos dalawang oras bago marating ang kabayanan.
“Kapag mamalasin ka nga naman. Kailangang-kailangan nating makapag-report sa istasyon, Monica. Scoop tayo kapag nagkataon. Wala pang ibang taga-media na nakarating dito.â€
Nasa bahay na inuupahan na ang magkasintahan. Nakatanaw sila sa sinkhole sa di-kalayuan.
Gimbal na gimbal pa rin sila sa nasaksihan.
“Siyam na tao na ang nilamon ng sinkhole, Jake! Una ang mag-asawang Porong at Pining! Sinundan nina Chairman Domeng at Imo…
“Then pati ‘yung limang mangingisda ay hinigop ng sinkhole… My God, baka pati tayo ay malamon!â€
Nagpapakahinahon si Jake. “Tingin ko’y hindi tayo kayang higupin mula rito, Monica…kaya nga babalik na muna tayo sa bayan.
“Kapag nai-report ko sa network ang pangyayari, I’m sure dadalo agad dito ang mga saklolo.â€
ANG mga taga-barangay ay labis nang naaalarma sa kababalaghan.
Nagtipun-tipon sila, iniisip ang dapat gawin agad!
“Meron nang nagsipunta sa bayan, mga kasama! Dapat maniwala ang mayor at mga pulis na merong butas na lupa na kumakain ng mga tao!â€
“Pati bahay ay nilamon, p’re! Baka nalimutan mo!â€
Napansin ng ilan sina Monica at Jake. “KaÂyong mga dayo, wala ba kayong pangontra?â€
Umiling ang magkasintahan. “Kaya nga po babalik na muna kami sa bayan, para makahingi ng saklolo sa kinauukulan. Makaaabot po ito sa media, promise.â€
EWAN kung ayaw paalisin sa isla sina Jake at Monica, biglang umunos, napakalakas.
Kaylalaki agad ng mga alon; mataas pa sa poste. (ITUTULOY)