Alam n’yo ba?

Alam n’yo ba na ang laman ng kalabasa ay hindi importante noong unang panahon dahil mas ginagamit ang shell o balat nito bilang lalagyan, kutsara at sandok. Nabigyang pansin lang ang laman ng  kalabasa pagsapit ng pre-Columbian Indian  kapwa sa South at North America. Ang salitang “squash” ay mula sa salita ng Narragansett Native American na “askutasquash” na ang ibig sabihin ay kainin ng hilaw. Sa India at Pakistan, ang luya ay tinatawag na “Adrak” habang sa Burma ito ay “Gyin”. Sa Indonesia, gumagawa rin sila ng alak na luya at tinatawag itong “Wedang jahe”. Ang luya ay sinasabing gamot sa arthritis, gayunman, wala pa rin siyentipikong basehan ito. Epektibo naman ito na gamot sa sakit ng ulo at hilo sanhi ng morning sickness sa mga buntis at mga dumaraan sa “chemotherapy”.

 

Show comments