‘Butas na lupa’ (7)
ANG mga pantulog na hinubad kina Jake at Monica ng kung sino o ng kung ano, habang sila’y natutulog sa kubo, ay natagpuan ng magkasintahan sa tabi ng sinkhole o butas na lupa.
Siyempre pa, takang-taka ang mga nakakita sa mga pantulog, laluna sina Monica at Jake.
“Suot namin ‘yan ni Monica kagabi habang natutulog, Chairman Domeng. Hinahanap nga namin nang kami’y magising…â€
“Ibig n’yo bang sabihin, wala na kayong pantulog nang kayo’y magising?†naiintrigang tanong ng punong-barangay.
“Gano’n nga ho!†sagot ni Jake. “May impaktong naghubad sa amin at dito dinala sa sinkhole!â€
“Hinubaran kayong dalawa ng…impakto?â€
Bumuntunghininga si Jake. “Iyon lang ho ang naisip naming dahilan. Natitiyak naming hindi kami napasok ng tao…â€
Sinamsam ni Monica ang mga damit na nakakalat sa tabi ng napakalaking butas. Gaya ni Jake, ang dalaga ay labis ding takang-taka kung paanong napunta doon ang mga pantulog.
Iiling-iling ang punong-barangay. “Grabe ‘tong nangyayari sa lugar namin. Nagkaroon nitong napakalaking butas na nangangain ng bahay, hindi namin matiyak kung gaano kalalim ang butas; hindi namin malaman kung patay na nga sina Porong at Pining sa loob ng butas…
“Ngayon nama’y sinasabi ninyong dalawa na may impaktong naghubad ng damit ninyo at dito sa tabi ng mahiwagang butas dinala…â€
Isang barangay-tanod ang may napansin sa butas na lupa. “Tserman Domeng, may humuhugong sa loob!â€
“Anong hugong, Imo?â€
Dumapa sa gilid ng butas ang barangay-tanod, idinikit ang tenga. “Tserman, parang kumukulong tubig!â€
Nangamba ang punong-barangay pati sina Jake at Monica.
Dama nilang may nagbabantang ligalig.
“Jake, b-baka sasabog ang sinkhole!â€
“Huminahon muna tayo, Monica.â€
“Imo, umalis ka diyan! Dali!†sigaw ng punong-barangay.
Pero nauna na ang kababalaghan. May puwerÂsang humila sa barangay-tanod. Kinain ito ng butas. “Aaaahhh!†(ITUTULOY)
- Latest