Alam n’yo ba na sa Russia, hindi sila naghahada sa kanilang noche Buena ng anumang pagkain na mayroong “meat†o laman mula sa anumang hayop? Madami silang inihahandang pagkain ngunit walang anumang pagkain mula sa hayop. Ang bida sa kanilang hapag-kainan ay ang “Kutyaâ€. Ito ay isang lugaw na gawa mula sa wheatberry at iba pang pagkaing-butil na sumisimbolo sa pagkakaisa, pag-asa at mahabang buhay. Naghahanda rin sila ng pulot at iba pang buto para magkaroon ng kasiyahan, tagumpay at mapayapang buhay.