BUKANG-liwayway na, agaw-liwanag, nang masaksihan ng mga tagatabing-dagat ang paglubog sa lupa ng buong bahay nina Porong at Pining. “Eeeee! Tulungan n’yo kamiii!â€
Si Pining ang sumisigaw-nagpapasaklolo. Nasa bahay pa pala ito.
“Iligtas n’yo kami, mga kapitbahay! Maawa kayo sa amin!â€
Tinig naman iyon ni Porong. Ang bagong mag-asawa pala ang na-trap sa bahay na mabilis nang kinakain ng lupa.
“Nakupo naman! Kawawa ang mag-asawa!†sigaw ng tagalako ng isda. Halos bubong na pawid na lang ang nakalitaw sa malaking butas. Nanatiling walang magawa ang mga nakasaksi. Paano nga ba pipigilin ang bahay na lumulubog?
Tuloy sa paglubog; tuloy na kinakain ng lupa.
Hanggang pati panaghoy ng mag-asawang nasa bahay ay hindi na narinig. Ganap nang lumubog at nawala ang bahay; tuluyan nang nilamon ng butas na lupa.
“Hu-hu-hu-huu! Nalibing nang buhay sina Pining at Porong!†Humagulhol na ang nagÂlalako ng isda.
ANG butas na lupa ay nanatiling nakabuka, katulad ng isang madilim na balon na pagkalalim-lalim.
Sinubukang tanglawan ito ng malakas na flashlight, pero ang liwanag nito ay hindi nakapangyari sa dilim; maging ang bahay na nilamon ay hindi na makita.
“Diyos ko, ibig sabihi’y napakalalim nga ng butas!†sabi ng punong- barangay, isang 70-year old—si Chairman Domeng.
“Ano’ng gagawin natin, Tserman?â€
Napailing si Chairman Domeng. “Ewan, ngayon lang ako nakasaksi ng ganitong kababalaghan…â€
ANG Barangay Antukin na kinaroroonan ng butas na lupa ay isang isla. Nararating ito ng bangkang tumatawid sa dagat; isang oras ang layo nito sa pinakamalapit na bayan.
Nakaabot na sa bayan ang tungkol sa butas na lupa. Nabalitaan ng dalawang photo-journalist na nagbabakasyon sa bayan. Magkasintahan ang dalawa—sina Jake at Monica.
Nang sumunod na biyahe ng bangka, sakay na sina Jake at Monica, dala ang mga back-pack, cellphones, pati mga digital camera. (ITUTULOY)