SA BARANGAY Antukin, sa dulo ng Luzon, ordinaryo na ang mabagal na takbo ng buhay. Nakadepende ang mga tao rito sa simpleng pagkakaÂkitaan—pangingisda at pagsasaka.
Uso pa dito ang bayanihan; ang mga bahay na gawa sa pawid at kawayan ay kaydaling naililipat ng lugar. Ang dating nasa kabukiran ay posibleng buhatin at ilagay sa tabing-dagat.
“Kaunting lakas pa, mga kasama! Malapit na tayo sa paglilipatan ng bahay ko!†sigaw-pakiusap ni Porong sa mga nagbubuhat.
Libre ang bayanihan, magpapakain lang ng meryenda si Porong.
Habol si Pining, ang misis ni Porong. Dala-dala ng bata pang ginang ang dalawang basket ng meryenda.
“Hayun na ang pagtitirikan sa aming bahay ni Pining!†Itinuro ni Porong ang bakanteng lote na di-kalayuan sa tabing-dagat.
Ayaw na munang magsaka ni Porong. Siya ay mangingisda naman; magiging tagalako si Pining.
“Baba! Baba na! Dahan-dahan, mga kasama!â€
Maluwalhati namang naibaba sa bagong lugar ang bahay nina Porong.
Kasunod ay masaganang meryenda. Dinumog ang sopas at putong ihinanda ni Pining, sa tulong ng mga pinsang babae.
GUMABI. Unang pagtulog ng bagong mag-asawa sa bahay na inilipat. Dama nila sa higaan ang malamig na simoy ng hanging dagat.
Mayamaya’y pinatay na ni Porong ang ilaw na gasera. May gagawin sila ni Pining na lagi nilang pinananabikan.
“Bibinyagan natin ang ating bagong lugar, Pining.â€
“Porong…mahal na mahal kita…â€
Paanas din ang sagot ni Porong. “Hindi kita mahal na mahal, Pining…pinakamamahal…â€
Ang mangilan-ngilan nilang kapitbahay sa tabing-dagat ay nagtsitsismisan. Alam kumbakit nagpatay agad ng ilaw sina Porong at Pining. “Siyempre, gagawa sila ng bata, mga p’re. Wala pang tatlong buwan silang nakakasal, e. Naghahanimun pa.â€
“Inggit lang kayo!†kantiyaw ni Tanong barbero. “Sawa na kasi kayo sa misis ninyong amoy-isda!â€
KINAUMAGAHAN, nawala na ang bahay nina Porong at Pining. Kinain ng malaking butas sa lupa. “Diyos ko po!†(ITUTULOY)