Madalas ka bang bangu-ngutin (1)
Ang bangungot o Sudden Unexplained Nocturnal Death (SUND) ay biglaan at hindi inaasahang pagkamatay ng isang tao habang natutulog. Tinatawag din itong sleep paralysis ng ibang nakaranas nito. Isa itong sleep disorder kung saan nakararanas ka na hindi ka makagalaw bagama’t gising ang iyong diwa; hindi ka makasigaw o makapagsalita. Minsan ay walang karamdaman ang nababanguÂngot. Kadalasan, ang nagiging biktima nito ay mga kalalakihan. Sa Tagalog, ito ay hango sa salitang bangon (to rise) at ungol (to moan).
MASAMANG PANAGINIP. Ito’y simpleng pinaniniwalaang masamang panaginip lamang at walang masamang epekto sa isang tao. Ito ay nag-ugat sa dahilang ang nakaligtas sa bangungot ay madalas inilalarawang nanaginip na tila nahuhulog sa kawalan at habang nararanasan ito, nakakaramdam ng tila may pumipigil sa kanyang paggalaw at paggising. Ang mga ganitong paniniwala ay pamahiin lamang.
ALAK AT ALAT. Sa unang pagsusuring isinagawa, masasabing ang dahilan ng bangungot sa mga Pilipino ay pamamaga ng lapay o pancreatitis. Sa mundong medikal, tinatawag din itong acute heÂmorrhagic pancreatitis. Sinasabing ang pancreatitis ang dahilan ng bangungot at pinaghihinalaang dulot ito ng sobrang pag-inom ng alak at pagkaing maaalat tulad ng bagoong at patis. Ang ating lapay o pancreas ang responsable sa paggawa ng mga enzymes o kemikal na tutunaw sa ating mga kinain subalit dahil sa pamamaga, nagiging abnormal ang kemikal na inilalabas nito.
SAKIT SA PUSO. Kamakailan lamang lubos na nasuri at naunawaan ang tunay na dahilan ng ganitong karamdaman. Ayon sa otopsiya, hindi lahat ng mga naging biktima ng bangungot ay kinakitaan ng sakit sa puso. (Itutuloy)
- Latest