KINUHA na ng mga anghel si Arlene; ang multo ng dalagang ito ay hindi na maaaring pumatay ng mga tiwaling mandarambong.
“Paano na ang aking bansa? Marami pang nalalabing corrupt!â€
Bingi sa kanya ang mga anghel. Umiyak ang multo. “Hu-hu-huuu.â€
Ang susi ng bilyun-bilyong scam ay patay na. Inatake sa puso si Susana Tamporanas. Ang sulat nito na nagbubulgar umano sa mga kasapakat na malalaking tao ay NAWAWALA.
May mga nagsasabing tahasang binanggit ni Tamporanas sa sulat ang ngalan ng tatlong high-profile politicians at dalawang government officials. Kaso ay nawawala nga ang naturang sulat.
At patuloy na walang umaamin sa malalaking akusado ng pandarambong o plunder. Iginigiit na sila ay hindi nagnakaw, hindi nandambong; napeke daw ang pirma, etsetera.
Ang klaro, nawala ang bilyun-bilyong pondo ng bayan na ipinagkatiwala sa kanila ng mga tao.
Kaybagal ng usad ng hustisya; inip na inip na ang mga tao. Wala pa ring naaaresto sa big-time suspects. Malaya pa rin ang mga itong makapag-travel; hindi pa frozen ang mga assets at deposito sa bangko.
MAY isang lalaking galit na galit. Hardworking ito, kayod-kabayo para kumita sa disenteng trabaho. “Mga hinayupak kayong corrupt! Kaylaki-laking tax ang binabawas sa kita ko! Na napupunta lang sa bulsa ninyooo!â€
Nagawa ng lalaÂking ito ang hindi dapat. Ipinutok ang baril. BANG. Napatay niya ang isa sa big-time na corrupt. Sa noo ito binaril. Pero nabaril din at napatay ng close-in security ng corrupt ang lalaki. VIGILANTE KILLS LAWMAÂKER, headline ng isang pahayagan. Headline din sa ilang tabloids. “CORRUPT SIYA KAYA KO PINATAY!†“NINANAKAW NIYA ANG TAX KO!â€
Nagdaan ang mga araw na wala nang corrupt na nagsu-suicide. Naunawaan ng mga magulang at ng nobyo ni Arlene na nanahimik na ang multo ng dalaga. MEANWHILE, ay umuusad ang hustisya, hinahanap ang katotohanan sa likod ng malawakang pagnanakaw sa pera ng bayan.
Ang mga mamamayan ay nakatutok sa isyu, umaasa. WAKAS
(Up Next: Butas Na Lupa)