Iba’t ibang klase ng condom Last Part

Spermicide-Free - Ang mga condom ay may spermicide para may dobleng proteksiyon. Pinapatay nito ang sperm. Ngunit marami ang nagkakaroon ng  allergic reactions sa spermicide. Mas delikado kung iniisip na doblehin ang suot na condom dahil malamang na mapunit ito. Kung nagkakaproblema sa bahagi ng inyong private part, spermicide-free ang gamitin.

Female Condom - Magugulat kayo sa laki ng condom na ito. Pambabae kasi ang condom na ito. May mga lalaki kasi na ayaw magsuot ng condom kaya may solusyon na para may proteksiyon pa rin ang mga babae. Ang kaso, mas mahal ang female condom at sinasabing less effective ito kaysa sa karaniwang condom.

Textured - Ito ay ang condom na may tuldok-tuldok, may nakaumbok na design para madagdagan ang stimulation at pleasure. Ngunit may mga babaeng nagrereklamo na hindi maganda sa pakiramdam nila ang textured. Imbes na ‘matuwa’ ay parang masakit o nagagasgas ang maselang bahagi ng ‘private part.’

Ultra Thin - Dahil nababawasan ang sensation kapag gumagamit ng condom, mayroong ultra thin. Para mas  ‘maramdaman’ para feel na feel pa rin.

 

Show comments