Paglalakad sa ‘beach’, nakakapagpaganda?

Ang paglalakad sa mga beaches o baybaying-dagat ay isa sa mga napakagandang libangan. Pero, ang hindi alam ng marami ay hindi lang paglilibang ang makukuha mo sa paglalakad sa beach kundi mayroon din itong benepisyo sa iyong katawan.

Namamasahe ang iyong talampakan – Ang paglalakad ng nakatapak sa buhangin sa beach ay nakakaaliw at nagbibigay ng relaxation sa iyong paa. Sa pamamagitan ng buhangin na banayad na tumutusok sa iyong talampakan ay inaaktibo nito ang mga ugat sa iyong paa kaya naman nakakatulong itong ma-regulate ang daloy ng dugo dito. Mas makakabuti pa nga kung banayad na nahahampas ng alon ang iyong bukong-bukong dahil mas nakukumpleto ng “nature” ang pagmamasahe sa iyong paa

Paglalakad sa tubig – Ang tubig na umiikot sa iyong bukong-bukong ay malaki ang benepis­yong inihahatid nito sa iyong katawan, pero, kung susubukang maglakad sa hanggang hitang tubig ay mas makabubuti, dahil napapatibay nito ang muscles sa iyong mga binti. Naoobserbahan mo ba na sumasakit ang iyong mga binti kapag naglalakad ka sa tubig na hanggang beywang mo? Ito ay dahil nag-eehersisyo ka sa tubig ng hindi mo namamalayan.

Libreng pagpapaganda – Hindi lang ugat mo ang nagbebenepisyo sa paglalakad ng nakatapak sa buhanginan, kundi maging mismo ang paa mo ay gaganda dito. Ito ay dahil kusang matatanggal ng buhangin ang mga dead skin cells mo sa paa at presto! Magkakaroon ka ng pink toe! Tumutulong din ang buhangin at tubig-dagat  para hindi ka agad magmukhang matanda. Ito ay dahil sa minerals gaya ng iodine at sodium mula dito.

Show comments