^

Para Malibang

Nakikiamot lang ng sustento...’

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Isa akong misis, 26, hiwalay ako sa asawa at may isang anak. Mayroon akong nakilalang guy na sundalo. May asawa rin s’ya, 55 years old at malalaki na ang mga anak. Umiibig ako sa kanya kahit alam kong may pamilya s’ya. Sinusuportahan n’ya ako sa pinansiyal kaya lang may time na sumasama ang loob ko sa kanya dahil may mga panahong hindi n’ya ako mabigyan ng pera dahil nga may asawa.

Sagot:

Huwag kang sanang umasa lang sa kanya ng suporta kundi pagsikapan mo ring mabuhay kayong mag-ina sa sarili mong sikap. Kahit single parent ka, hindi dapat ito maging hadlang para magpursige ka sa buhay alang-alang sa iyong anak. Hindi lahat ng oras ay kaya ka niyang sustentuhan dahil bago ikaw, ang pamilya muna n’ya ang kanyang uunahin. Maaaring nakatagpo ka ng kaligayahan sa kanyang piling, subalit hindi ang pagpatol sa may asawa ang solusyon sa iyong suliranin. Makakatagpo ka rin ng tamang lalaking magmamahal sa’yo at iyong anak ng tapat, ‘yung walang sabit. Matuto ka na sana sa una mong kabiguan at maging matalino na hindi mo na ito sapiting muli. Higit sa lahat humingi ka ng awa mula sa Dios dahil ang tinatahak mong buhay ay hindi madali. Nais mo ba na palagi ka na lang tila nagpapalimos sa kanya para mabigyan ka ng sustento para mabuhay kayong mag-ina?

Sumasaiyo,

Vanezza

 

 

DEAR VANEZZA

DIOS

HIGIT

HUWAG

ISA

KAHIT

MAAARING

MAKAKATAGPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with