Kahit ‘mommy’ ka na...

Maraming kababaihan ang problemado  matapos ang kanilang panga­nganak. Hindi kasi nila maintindihan kung paano muling maibabalik ang kanilang katawan sa dati nitong magandang hugis. Matapos manganak, may mga natitirang fats o fatty tissues sa katawan ng mga babae kaya sa oras na sila ay pumayat, tiyak na babagsak ang kanilang balat, kasama na ang ibang bahagi ng katawan nito gaya ng kanyang dibdib o “breast”. Narito ang ilang paraan para muli mong maibalik ang kagandahan at kaseksihan ng iyong dibdib.

Magsuot ng “supportive bra” – Dapat kang pumili ng bra na kasyang-kasya sa iyong dibdib upang masuportahan nito ang lumalaki mong dibdib at higit sa lahat, maiwasan nito na mabanat ang balat ng iyong breast. Iwasang gumamit ng mga bra na may wire sa ilalim dahil mapipigilan nito ang produksiyon ng gatas na mahalaga sa iyong sanggol.

Mag-ehersisyo – Magsagawa ng regular na ehersisyo na angkop sa iyong dibdib gaya ng push-up. Maaari kang mag-push-up sa dingding o di kaya ay sa sahig. Hindi mo na din kailangan na magpunta sa gym dahil kaya mo na itong gawin sa loob ng iyong bahay.

Unti-unting pagda-diet – Normal sa isang babae ang tumaba sa panahon ng kanyang pagbubuntis. Pero sa oras na makapanganak ay kusang pumapayat ang babae lalo na kung siya ay nagpapa-breastfeed ng sanggol. Kung magda-diet ay tiyakin na ito ay unti-unti lang dahil kung biglaan ang gagawing pagpapapayat ay tiyak na lalaglag ang iyong dibdib at biglaan din ang pagliit nito kung saan hindi magandang tingnan.

Imasahe ang iyong dibdib – Sa isang pag-aaral, lumalabas na ang pagmamasahe sa iyong dibdib sa loob ng dalawang minuto kada araw gamit ang isang lotion/ cream na nagtataglay ng phytoestrogens. Makakatulong ang pagmamasahe para magkaroon ng magandang daloy ng dugo ang iyong dibdib na magreresulta para makita itong malusog.

 

Show comments