‘Patay kayo, mga corrupt’ (32)

PATULOY ang live report ng TV anchorman. “Sa dami po ng mga nagsosoli ng ill-gotten wealth na galing sa pork at iba pang public funds, inaasahang yayaman na muli ang kaban ng bansa…Mula po dito sa harapan ng Kagawaran ng Hustisya, ito po si Jojo Mercurio, nag-uulat!”

Muli ay iba’t iba ang pananaw ng mga tao. May mga tuwang-tuwa pero may aprehensiyon din.

Karamiha’y mga mamamayang nawalan na ng amor sa mga politicians at mga opisyales ng pamahalaan.

“Sana nga, ngayong tinanggal na ng Supreme Court ang pork barrel, mahihinto na ang corruption, Pareng Emong.”

“Naku, Pareng Tacio, baka wala nang kakandidatong corrupt—puro matitino na lang!”

“E di mabuti, wala nang dynasty—wala na kasing makukurakot!”

“Ikaw ang nagsabi niyan, p’re. Ako nama’y may pananalig pa sa matitinong tao sa pamahalaan, pati na rin sa ilan nating lawmakers. Hindi naman lahat ay bulok.”

“E ang multo o mga multong tumutulong laban sa korupsyon, palagay mo, titigil na?”

“Malamang, Pareng Tacio. E wala nang dahilan para pumatay ang multo, e. Am’ babait na ng mga mandarambong—nagsoli ng yaman at handa nang magpakulong, huwag lang mapatay…”

Napabuntunghi­ninga ang magkumpare. Usal nilang pareho: God save the Philippines, maligtas nawa sa mga walang kunsensiyang corrupt.

DINALAW ni Arlene ang boyfriend nang gabing iyon. Si Mark ay nasa harap ng computer, sa internet shop.

Hindi pa rin maa­ring makita ng mababait si Arlene; hindi pa rin puwedeng marinig. Pero puwedeng mabasa ni Mark ang kanyang mensahe—sa computer.

Napaigtad ang binata nang sumalit sa computer screen ang message ng yumaong nobya. “Mark, ikumusta mo ako kay Inay at sa buong pamilya ko. Mahal na mahal ko ‘ka mo sila kaya tumutulong ako sa pag-aalis ng mga corrupt…”

Napasinghap si Mark, hindi inasahan ang muling pagkonekta ni Arlene—mula sa kabilang buhay. (Malapit na ang Wakas)

 

 

Show comments