^

Para Malibang

Gusto mo bang makalalaki?

Pang-masa

Maraming mag-asawa ang dumarami ang anak dahil sa patuloy na paghahabol ng anak na babae o lalaki. Pero  karamihan, lalaking anak ang hinahabol ng mga mag-asawa. Narito ang ilang paraan:

“Shettles Method” – Ayon sa pag-aaral ni Dr. Shettles, kailangan magkaroon ng “deep penetration” ang pagtatalik ng isang mag-asawa dahil ang Y chromosomes na nagdadala sa male sperm ay mabilis lumangoy patungo sa bahay-bata ng babae, ngunit agad din naman itong namamatay. Ipinapayo din na dapat pataasin ng babae ang kanyang alkaline level sa genital area nito upang mabawasan ang kanyang acid level na pumapatay sa sperm ng lalaki. Ngayon ay marami ng nabibiling “wipes” na mayroong mataas na alkaline.

Healthy diet – Upang  magkaroon ng lalaking anak, kumain ng mara­ming “red meat” gaya ng baka at baboy.  Dapat din na uminom muna ng kape ang lalaki bago makipagtalik. Kumain din ng pagkain na mataas ang calcium, vitamin C, B-12 at vitamin E.

Posisyon – Dapat pag-aralan ng mag-asawa ang mabuting posisyon na agad makakarating ang sperm ng lalaki sa loob ng bahay-bata ng babae. Kinakailangan din na mahiga at magpahinga muna ng 15-minuto matapos ang intercourse para sa ikabubuti ng sperm at hindi ito malaglag palabas sa vagina.

vuukle comment

AYON

DAPAT

DR. SHETTLES

IPINAPAYO

KINAKAILANGAN

KUMAIN

NARITO

NGAYON

SHETTLES METHOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with