^

Para Malibang

‘Patay kayo, mga corrupt’ (31)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

HINDI na mabilang ang mga tiwaling opisyales at politicians na nagpakamatay matapos umamin ng kasalanan sa publiko. Mayor, vice-mayor, konsehal, gobernador, lawmakers, mga dating miyembro ng gabinete. Pati nga ilang barangay captains ay nag-suicide.

Tinakasan ng mga ito ang sumbat ng kunsensiya at ang takot na pagkakulong nang mahabang panahon. Pero karamihan sa mga nagpakamatay ay hindi isinurender ang mga nakaw na yaman. Kaya naman  abalang-abala ang gobyerno sa pagsisiyasat at paghahanap. Karamihan sa ill-gotten wealth ay naipunta na sa ibang bansa, naipamili na ng mga bahay at lote at condominium units.

“Mark, ayaw pa ring magbago ni Arlene. Nauubos na ang pasensiya ng Diyos…”

“Aling Inday, dagdagan pa ho natin ang dasal…prayers can move mountain ho, manalig tayo…” Ang ina at ang boyfriend ni Arlene ay nakasubaybay sa mga kaganapan. Hindi sila kailanman sang-ayon na si Arlene ay nagiging daan sa pagpapakamatay ng mga tiwaling tao.

“Di ba tama naman tayo, Mark? Ang paghihiganti ay sa Diyos lamang, hindi sa tao o multo.”

“Halos 90 porsyento po ng taumbayan ay itinuturing nang bayani ang multo, Aling Inday. Akala nga ho ng karamihan, iba’t ibang multo ang naniningil sa mga corrupt—hindi alam na nag-iisa si Arlene…”

“Ikaw ba’y pabor na sa ginagawa  ni Arlene, Mark?”

“Hinding-hindi po, kahit pa nga natutuwa ako na nababawasan ang mga corrupt.”

ANG ISA pang hindi na mapigil ay ang tuluy-tuloy na pagdating sa Kagawaran ng Hustisya ng mga taong akusado ng pandarambong; pila-pila ang mga corrupt na nagpayaman.

Para na ngang exodus ang nangyari—mga taong takot mamatay o magpakamatay; nagsoli ng nakaw na kayamanan para huwag nang dalawin ng multo.

Muli ay nagbunyi ang mga tao. Welcome na welcome sa kanila ang pagbabalik ng ill-gotten wealth.

“YOUR SUICIDE IS GOOD BUT WE NEED ASSETS!” sabi ng grupo laban sa korupsyon, sa placard na medyo sintunado. (ITUTULOY)

 

 

ALING INDAY

ARLENE

DIYOS

HUSTISYA

IKAW

KAGAWARAN

KARAMIHAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with