Ritwal sa Pagbebenta ng Bahay

Kung nahihirapan kang ibenta ang iyong bahay, narito ang 3 iba’t ibang ritwal para magustuhan kaagad ito ng mga potential buyers:

Maglagay ng maliwanag na ilaw sa likod bahay. Ang taas ng pinaglalagyan ng bombilya ay kapantay ng back wall ng bahay (kung mayroon).  Hayaang nakabukas ang ilaw gabi-gabi hanggang hindi ito naibebenta.

Maglagay ng “For Sale” sign sa front door na ganito ang dapat ang drawing o disenyo: Tangay-tangay ng tuka ng ibon ang “For Sale” sign.

Isulat ang address ng ibinebentang bahay sa isang malinis na papel. Tiklupin nang maa­yos. Itapon ang papel sa umaagos na canal o sapa. Pagkahagis sa papel ay huwag lilingon at diretsong umalis sa lugar ng pinagtapunan.

Kung hindi pa rin maibenta ang bahay kahit ginawa mo na ang 1 to 3 ritwal, hingin mo na ang tulong ni St. Joseph, ang patron ng real state agents dahil alam nating lahat na siya ay karpintero. Itutuloy

 

Show comments