Mga ilang sanhi ng paglaki ng thyroid gland.
Kakulangan sa iodine. Ang iodine ay nakakatulong sa produksiyon ng thyroid hormones, ay makikita sa dagat at mga kalupaan na malapit sa dagat. Sa mga papaunlad na mga bansa, ang mga taong nakatira sa matataas na lugar ay karaniwang nagkakaroon ng iodine-deficiency na sanhi ng goiter kapag ang thyroid lumalaki dahil sa paghahanap ng mas maraming iodine.
Graves’ disease. Ang Goiter ay minsan lumaÂlabas minsan kapag ang thyroid gland naglalabas ng sobra-sobrang hormone (hyperthyroidism). Sa Graves’ disease, ang antibodies inilalabas ng inyong immune system ay napagkakamalang atakihin ang ating thyroid gland, na nagiging sanhi ng sobrang labas ng thyroxine. Ang sobrang stimulation ay nagiging sanhi ng paglaki ng thyroid.
Hashimoto’s disease. Katulad ng Graves’ disease, Hashimoto’s disease ay isang autoimmune disorder. Sa halip na maglabas ng sobra-sobrang hormone ito naman ay naglalabas ng kakaunting hormones. Ang paglalabas ng kakaunting hormones ay nagreresulta ring ng paglaki ng gland.
Multinodular goiter. Ang kondisyon na ito, may ilang matigas o bukol na ang laman ay likido na tinatawag na nodules na nabubuo sa parehong gilid ng thyroid na nagdududlot ng paglaki ng mga gland.