Walang ‘effort’ ang boyfriend
Dear Vanezza,
Itago mo na lang ako sa pangalang Chery, 19 years old. Nag-aaral ako sa Davao. Mayroon akong bf at taga Maynila siya. Last year ko siya na-meet ng magbakasyon kami sa Maynila. Nagkaroon kami ng relasyon at nagkaiyakan pa nga ng bumalik na ako sa Davao. Mula noon ay hindi na kami nagkita. Ang masakit, ni minsan ay hindi niya ako tini-text o mine-message man lang. Hindi niya sinasagot ang mga text ko, tawag at message. Wala kaming communication for the last 3 months. Nagdududa na ako kung mahal niya ba talaga ako kasi natitiis niyang hindi kami nagkakausap. Dapat ko na ba siyang limutin?
Dear Chery,
Sadyang mahirap ang long distance love affair. Pero kung talaÂgang mahal ka ng isang tao, gagawin niya itong madali para sa iyo. Wika nga ng kasabihan, ‘pag gusto may paraan, ‘pag ayaw may dahilan. May dahilan siya bakit pinutol niya ang komunikasyon ninyo. Kung 3 buwan ang lumipas at ni wala siyang paramdam, mag-isip ka na. Handa ka bang maghintay sa isang taong hindi mo alam kung kailan susulpot? Nasa sa’yo ang desisyon.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest