“NAKIKIUSAP po talaga ako sa inyo, Your Honor,†luhaang sabi ni Susana Tamporanas sa multo ni Arlene. Takot mamatay ang babaing hinihinalang mastermind ng scam. “Malapit na malapit na po akong magtapat ng lahat-lahat.â€
“Makinig ka, ngayundi’y manood ka ng TV coverage ng trahedyang nagaganap sa Tacloban at sa lahat ng bayang tinamaan ni Yolanda. Naintindihan mo ba ako?â€
“Opo, opo! Manonood po ngayundin po!†tarantang sumunod agad ang detinadong akusado.
Napanood agad ni Tamporanas ang nakalulunos na tagpo sa mga sinalanta ng bagyo; laluna ‘yung hindi pa naaabot ng tulong ng gobyerno.
Merong looting, merong nakawan ng mga pagkain—bigas, palay, anumang makakain.
Isang ina ang sapilitang kumuha ng mga lampin at gatas sa groserya, para sa sanggol na nangangailangan; pati mga sitserya y nilusob na rin para makatawid sa gutom.
Merong magbababoy na ibinigay na lang ang mga alaga sa mga nagugutom na kababayan.
Napanood din ni Tamporanas ang mga nagkalat na patay sa paligid; ang mga taong naglalakad na wala na sa sarili, para nang mga walking dead.
“Hindi sila matulungan agad ng pamahalaan, Susana, dahil kulang nga sa helicopters na magbabagsak ng relief goods.
“Kung ang bilyun-bilyong perang nadambong ay napapunta sa tama, kahit paano ay kaydali sanang natulungan ang ating mga kababayan…
Bawat salita ng multo ay rumerehistro sa diwa ng akusadong babae.
Pero mahirap basahin ang damdamin ng babaing ito. Ito ba’y tinablan o hindi? Ito lang ang nakakaalam.
Napabuntunghininga si Arlene; kahit siyang multo ay hindi kayang basahin ang laman ng utak ng babaing ito.
“Babalikan kita kapag natiyak kong pagtatakpan mo ang mga kasabwat mong corrupt officials and lawmakers, Tamporanas. Tandaan mo.â€
“Opo, opo. Babay na po.â€
TATLONG beteranong politicians ang buong pakumbabang humarap sa media. Dala nila ang mga papeles ng lahat nilang ari-ariang binili mula sa pera ng bayan; bunga ng kanilang pangungurakot. (ITUTULOY)