Narito pa ang ibang kakaibang bagay ukol sa sex ayon sa Complex City Guide magazine.
STD sa pakikipag-sex ng lasing o naka-drugs - Alam n’yo bang mas malaki ang tsansang makakuha ng sexually transmitted disease kapag nakikipag-sex nang nakainom? Base sa pag-aaral, ang alcohol at drugs ay nagpapahina ng inyong immune system kaya mas lumalaki ang tsansang makakuha ng sakit. Alam naman natin ang pag-inom ay nagpapahina ng kakayahan naÂting makapag-isip ng tama, nagpapalakas ng ating loob kaya malamang na hindi na natin maisip ang gumamit ng proteksiyon.
“Walang gana†kapag nagpi-pills - Ang mga babaeng nagpi-pills ay tumataba at sinasabing lumalaki rin ang kanilang boobs at nagkakakorte ang kanilang katawan. Mas sumeksi nga ang iyong partner pero hindi ito pabor sa iyo. Dahil ang pills ay nagre-release ng extra hormones sa dugo sa panahon ng placebo weeks o kapag hindi siya umiinom ng pills, makakaranas siya ng pagbaba ng sex drive dahil sa pagkawala ng extra hormone. Siyempre kapag walang gana si ate, sorry ka na lang.
Di malayong makakuha ng sakit kapag sexually active - Kung ikaw ay aktibo sa sex, hindi malayong makakuha ka ng Sexually transmitted infection o disease (STI o STD). Lahat ng mga sexually active ay nakakaranas ng STI. Para makasiguro, regular na magpatingin sa doctor. (Itutuloy)