Sanhi ng Bosyo (1)
Goiter o bronchocele ang tawag sa thyroid gland na lumaki o paglaki ng leeg ng tao, sa dako ng lalagukan/ gulung-gulungan (adam’s apple) at babagtingan (larynx). Karaniwang tawag din na “bosyoâ€. Ang paglaki ng thyroid gland ay sanhi ng kakulangan sa iodine ( Iodine deficiency ) sa katawan ng tao. Sa ganitong uri ng karamdaman, ang thyroid ay bumubuo ng labis o kakaunting hormones o kaya’y may bukol o nodule na tumutubo sa mismong gland.
Ang thyroid gland ng tao ay gumagawa ng thyroid hormones na kailangan ng katawan. Ang tao ay maaaring magkaroon ng iba’t ibang klase ng goiter o bosyo depende kung mayroong mga sintomas na dala ng sobra (o kulang) sa paggawa ng thyroid hormones; at kung ang paglaki nito ay may bukol (o wala). Kung sobrang thyroid hormones ang ginagawa, ang tawag dito ay “hyperthyroidismâ€, at kung kulang naman ay “hypothyroidismâ€.
Sa pagkakaroon ng goiter, patuloy pa ring nagtatrabaho ang thyroid gland ng tao – maaaring sapat pa rin ang dami ng nailalabas nitong hormones nguni’t kapos o labis sa nagagawang thyroxine at triiodotyronine. Ang dalawang hormones na ito ay umaagos sa daluyan ng dugo at mahalagang kasangkapan sa pagregula ng metabolism ng katawan. Kailangan din sila upang mapanatiling wasto ang paggamit ng katawan ng fats at carbohydrates. Nasa tama ang temperature ng katawan, at normal ang pagtibok ng puso. Maliban dito, may iba pang maaaring dahilan sa pagkakaroon ng goiter ng isang tao.
- Latest