Kung ang petsa ay nasa pagitan ng June 22 hanggang July 22 o ang buwan ay nasa zodiac sign na Cancer:
Lumalakas ang kutob ng mga magulang tungkol sa kanilang anak kapag nasa Cancer period. Ang mga tao ay sobrang concern sa kanilang pamilya. Abala sila sa pag-aasikaso ng mga bagay na may kinalaman sa pamilya. Paborable ang family trip sa beach, river at lake para makapag-bonding. Magiging epektibo ang pagpapagamot ng sakit na may kinalaman sa metabolism, joints, tendons. Ngunit ipagpaliban ang pagpapaopera sa area ng stomach, chest, abdomen, mammary glands, gall bladder, lymphatic system.