^

Para Malibang

‘Patay kayo, mga corrupt’ (20)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

SAKAY ng hangin, sinundan ni Arlene ang magandang executive car na palabas ng munisipyo. May driver-bodyguard ang lulan nitong punong-bayan. Alam na ng multo ang likaw ng bituka ng trapo.

Kaydaling napasok ni Arlene ang sasakyan.

Napaigtad ang punong-bayan, katabi nito ang galit na multo ni Arlene. “Holy bastard…”

“Kumusta ka, Mayor Dayucduc? Bagay sa iyo ang pangalan mo.” Naririnig at nakikita si Arlene ng masasamang tao.

Hindi siya nakikita-naririnig ng driver-bodyguard.

“Utang na loob, m-miss multo…hindi ako bigtime mandarambong…’yung mga nasa kongreso at senado at gobyerno-nasyonal ang tutukan mo…”

“Hindi barya-barya ang ninakaw mong 90 million, Mayor, sa nagdaang sampung taon.”

“P-Pero utos ‘yon sa itaas, m-miss…”

“Paano na ang pera ng bayan?  Hindi inyo ‘yon, para sa mga magsasaka ‘yon, ” diin ng multo, pinisil sa leeg ang trapo.

“N-nawala na ang pera…n-nagasta na namin…u-ubos na.”

“Ubos na rin ang pasensiya ng bayang ninakawan, Mayor Dayucduc.” 

Pumilig-pilig ang mayor, naging blangko ang mga mata.

Mayamaya’y kinalabit ang walang kamalay-malay na driver-bodyguard.                 Napaigtad ito, natakot sa kakaibang anyo ng mayor.

“M-Mayor, napaano kayo?”

“Itigil mo…dali!”

SCREECHH. Napabigla ang preno, napasubsob ang punong-bayan.

Pero saglit lang, lumabas agad ito ng sasakyan, Patungo sa nagsisipagtanim ng palay, sa bukid na tabi ng highway.

“Mayor…?” Nakalabas na rin ang driver, nagtaka. “Mayor, l-lulusong kayo sa putikang bukid? Mangangampanya kayo?”

Natawag ang pansin ng mga manananim. “Si Mayor Dayucduc!”

Walang seremonyas na naglublob sa taniman ng palay ang mayor.

Saka nangumpisal. “Ibinulsa ko ang pondong laan sa mga pataba! Dapat akong suwagin ng kalabaw!”

TSAG. Nagpasuwag nga sa kalabaw, inabot sa leeg at dibdib. Patay agad ang tiwaling mayor.  (ITUTULOY)

ALAM

ARLENE

BAGAY

BRVBAR

MAYOR

MAYOR DAYUCDUC

NAPAIGTAD

SI MAYOR DAYUCDUC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with