Last Part
Pagliban ng pagkain sa agahan. Maliban sa nakapagdudulot ng magandang pangangatawan at maayos na kaisipan ang pagkain ng agahan ito rin ay nakakatulong na makaiwas sa mabahong hininga sa umaga sa pamamagitan ng mapasigla ang produksiyon ng laway.
Pagkain. Mga pagkain na mayaman sa protina o dairy products na nakapagbibigay ng generate ng amino acid na nagiging pagkain ng mga bakterya.
Pang matagalan na mga sakit. Ang kidney ay nakapagdudulot ng masangsang na amoy at ang hindi makontrol na diyabetes ay lumilikha ng mabaho ring amoy.
Alak. Ang pag-inom ng sobra-sobrang alak ay nakakatuyo ng bibig na nagreresulta ng mabahong hininga.
Ano ang lunas o gamot sa bad breath?
Dahil karamihan ng kaso ng bad breath o mabahong hininga ay nagmumula sa mga bacteria sa ilalim ng dila, ang pagsisipilyo sa dila ay ang pinakamabisang paraan upang magamot ang bad breath. Siguraduhin din na nasisipilyo ang iba pang bahagi ng bibig. Maaaring samahan ng mouthwash ang pagsisipilyo. Tandaan ng regular at kumpleto dapat ang pagsisipilyo para ito’y maging epektibo.
Ang pagmumog gamit ang mouthwash bago matulog ay epektibo rin sa pagbawas ng mabahong hininga o bad breath. Ang pagnguya ng chewing gum ay maaari ring makabawas sa bakteryang sanhi ng bad breath sa pamamagitan ng pagpapadami ng laway sa bibig. Ang laway ay nakakatulong sa paglinis ng bibig at nakaÂkabawas sa bacteria.
Paano maiiwasan na magkaroon ng mabahong hininga?
1 Ang regular na pagsisipilyo
2 Regular na pagpapatingin sa dentista
3 At pag-gamit ng dental floss
Lahat ng ito ay bahagi ng oral hygiene o kalinisan ng bibig at lahat ng ito’y nakakatulong para maiwasan ang pagkakaroon ng bad breath. Kaya panatilihing malinis ang bibig. Iwasan din ang paninigarilyo at mga matatapang na pagkain. Bigyang halaga ay iyong hininga.