Anong sanhi ng mabahong hininga (1)
Ang bad ÂbreaÂth o mabahong hiniÂnga ay tinatawag na halistosis sa terminolohiyang medikal ay isang hindi kanais-nais na kondisyon para sa maraming tao. Nagmumula ang mabahong amoy sa bibig mismo, at ang dila ang kalimitang pinanggagaling ng mabahong hininga. Ang mabaho o hindi kanais-nais na amoy ng hininga ay karaniwang dulot ng mga mikrobyo na nasa ilalim ng dila. Itong mga bacteria na ito ay gumagawa ng mga kemikal na mabaho sa ating pang-amoy. Maaari ring magmula sa mga bacteria o mikrobyo sa iba’t ibang bahagi ng bibig ang bad breath, gaya ng mga espasyo sa gitna na mga ngipin, mga maruming pustiso o bahagi ng “braces†na hindi nalilinis.
Ano ang sanhi ng mabahong hininga?
Medikasyon. Ang laway ang nagtatanggal ng mga baktirya sa ating bibig na nagdudulot ng masamang amoy sa ating bibig. May mga medikasyon o gamot na nagiging sanhi ng pagkatuyo ng ating bibig na nagreresulta ng pamamaho ng hininga katulad ng antidepressants, diuretics, at aspirin.
Bakteria. Ang bakteria ay naglalabas ng dumi sa dila na nagdudulot ng mabahong amoy.
Respiratory tract infections. Alam natin na impeksiyon sa ngipin at gilagid ang pinagmumulan ng pagbaho ng hininga ngunit mayroon pang ibang sanhi ng pagbaho ng hininga katulad ng RTIs.
- Latest