‘Patay kayo, mga corrupt’ (19)
“NARINIG n’yo ba ako, Inay? Ang mga tao hong sangkot sa pandarambong sa bayan ay mga walang kunsensiya. At ang gaya po nila ay pinapatay,†ulit ng multo ni Arlene.
Pero hindi nga ito napapakinggan ng inang taimtim na nakikiusap. Wala nang kakayahan ang multo na marinig ng mababait.
Maging si Mark na katabing nananalangin ni Aling Inday ay hindi naririnig si Arlene.
Lalunang hindi nakikita ng dalawa ang presencia ng multo.
“Biruin naman ninyo, Inay…klaro na bilÂyon-bilyon ang halaÂgang nawala o nawaldas, na nasa kanilang pangangalaga bilang mga halal ng bayan. Pero ano ang depensa nila? Hindi raw sila nagnakaw, wala silang alam sa isyu, pineke ang lagda nila.
“Ang klaro lang, Inay, nawawala ang bilÂyun-bilyon at walang umaamin ng pananagutan!â€
Hindi nga siya naririnig nina Mark at Aling Inday.
Si Aling Inday ay patuloy na nakikiusap. “Inuulit ko, Arlene, anak… huwag mo na silang itulak sa pagpapakamatay…hayaan mong ang hustisya ng mga nabubuhay ang lumutas sa kaso ng kurakot at pandarambong…
“Magpakita ka sa mga sangkot pero huwag mong patayin—bagkus, pakiusapan mo ngang isoli ang mga ninakaw…â€
Naunawaan na ng multo na hindi siya naririnig ng nanay at ng boyfriend. Nanlumo.
Gayunma’y niyakap ang ina, buong pagmamahal at pananabik.
Natigilan si Aling Inday, nagtaka. Nadama ang malamig na pagsakop ng hangin.
Napansin ni Mark ang pagkalito ng ginang.“B-bakit po, Aling Inday?â€
“Niyakap ako ng anak ko, Mark…n-narito si Arlene…â€
“Ho?â€
Si Mark naman ang masuyong niyapos ng multo ng nobya.
Napalunok ang binata, naramdaman ang malamig na presencia.
“N-narito nga siya, Aling Inday…n-nadinig ni Arlene ang pakiusap ninyo…†maya-maya’y sabi naman ni Mark.
“Arlene, anak…I miss you so much…â€
“Ako rin, Arlene. Mahal na mahal kita…â€
Umalis na ang multo. Kaydami pang sisingilin. (ITUTULOY)
- Latest