Dear Vanezza,
May ka-live-in partner ako na 19-years old. Samantalang ako’y 68 -years old na. Madalas akong tuksuhin ng mga ka-senior citizen ko. Para ko na raw apo ang aking ka-live-in. Para daw akong matandang kabayo na mahilig sa sariwang damo. Kung minsan ay napipikon ako pero nagtitimpi ako sa aking sarili. Kaso naiisip ko na baka dumating ang punto na hindi na ako makapagpigil sa sarili. Sa tingin niyo ba’y mali ang ginagawa ko? - Santi
Dear Santi,
Kung nagmamahalan talaga kayo at malinis ang intensiyon mo sa babaeng ito at hindi mo lang siya ginagawang pang-aliw sa iyong buhay, walang masama sa iyong ginagawa. ‘Yun panunuksong nararanasan mo mula sa iyong mga kaibigan ay maituturing lang na “consequence†ng inyong pagsasama. Hindi ka dapat mapikon dahil katotohananan naman ito ng inyong sitwasyon. Dapat mong pag-aralan ang mga reaksiyon na iyong gagawin sa mga ganitong pagkakataon at dapat mo rin tanggapin ito. Kumbinsihin mo ang iyong sarili na normal lang sa inyong relasyon ang mga ganitong uri ng pangangantiyaw.
Sumasaiyo,
Vanezza