Birthday and Lovelife (6)

Twenty-two: Kung ang petsa ng birthday mo ay 22 ng kahit anong buwan, two extreme emotions lang ang ibinibigay mo sa isang tao: mahal na mahal o galit na galit. Piling-pili lang ang kanyang mga kaibigan. Kung isa sa mga pinagkatiwalaan niya ay nagtaksil sa kanya, mabuti pang huwag na itong magpakita dahil hindi siya titigil hangga’t hindi siya nakakaganti.

Twenty-three: Wala kang kamalay-malay na napaka-charming mo pala sa mata ng ibang tao. You love excitements kaya kung minsan ay napapasubo ka sa ipinagbabawal na pag-ibig. Oh yes, may tendency kang pumatol sa may asawa. Kaya “isip-isip kung may time”.

Twenty-four: Minsan, hindi talaga niya mahal ang karelasyon. Nakiki­pagrelasyon lang siya dahil gusto lang may makasama sa buhay. Nahihirapang kalimutan ang past love kahit may bago nang karelasyon. Kadalasan ay kinababaliwan siya ng karelasyon dahil likas na ang pagiging charming at romantic.

Show comments