Ano ang mangyayari?

Kung ang  zodiac sign ay nasa Scorpio (October 24 to November 22):

Zodiac sign na Scorpio ang kasalukuyang umiimpluwensiya ng mga pangyayari sa kapaligiran. Lumalakas ang intuition ng mga tao. Kung kinukutuban ka na something positive, gawin mo at huwag ang magpatumpik-tumpik pa. Nagiging matalas ang pag-iisip ng mga tao kaya ang talent nila ay lalong umaasenso.  Favorable period ito sa mga scientists, psychologists at mga taong nagtataglay ng extra ordinary talents.

Emosyunal ang mga tao kaya kung hindi ito makokontrol, magiging daan ito ng pag-aaway at eskandalo. Makabubuting i-postpone muna ang family gatherings and celebrations. Nawawalan din ng control sa pagkain, alak at pakikipagrelas­yon seksuwal, meaning, hindi mapigilang pa­ngangaliwa. Kung possible, ipagpaliban muna ang  magpaopera sa veins, sexual organs, excretory system, endocrine glands, large intestine, kidney dishes, urinary tracts. (Itutuloy)

Show comments